Sunday, November 8, 2009

Return of the Comeback: Conversation with God

Tues, 10 Nov 2009.


This is my most recent conversation with God. Because law school and spirituality go together.

GOD: Oy, 'musta na?

ME: Oks naman.

GOD: O, enrolled ka na?

ME: 'Di pa tapos.

GOD: Anobeh, bakit hindi pa?

ME: E si Ma'm Guanzon kasi wala pa 'yung Loc Gov grade ko.

GOD: Pero pasado ka na?

ME: Yes sir.

GOD: E 'yung kay Arno?

ME: Pasado rin. Kaso naawa lang sa akin.

GOD: O ayan ha. Basta 'yung promise mo sa akin ha.

ME: Anong promise?

GOD: Na pag-pina-graduate kita sa UP Law, maghu-human rights ka at pro bono ng bonggang bongga. Remember?

ME: Of course naman.

GOD: So natuto ka na ng lesson sa lahat ng nangyari sa'yo?

ME: Anong lesson?

GOD: Tungkol sa paggawa ng groups sa FB.

ME: Ay oo naman. 'Pag ginawan mo ng Fezbook group ang professor mo, makwa-kwatro ka.

GOD: Korak. Kaya 'wag ka na gagawa ng FB group.

ME: 'Wag ka nga gumamit ng "FB," hindi bagay sa'yo. Two syllables na nga lang, shino-shortcut mo pa.

GOD: Meh ganon...E ikaw nga "Fezbook" e.

ME: Mas ok nga ang "Fezbook" kaysa sa "FB" e.

GOD: Whatever. Pam-bakla ang "fez" e.

ME: E mas bakla ka nga kaysa sa akin e.

GOD: Trueness. So kailan matatapos ang enrollment mo?

ME: Um, this week?

GOD: Hay nako, tapusin mo na 'yan! Classmates mo ba uli ang blockmates mo?

ME: Oo, 'pag Fridays.

GOD: Nyak. E 'di classmate mo uli si...

ME: Malamang. Pero kebs. Hahaha.

GOD: Oo nga. Kebs. Ano ba 'yan, bakit ganyan ka pa rin tumawa sa intarwebz? "Hahahaha" is so 20th century. New millenium na. Ang uso na ngayon ay "LOL". Or mas uso pa d'on: "lawlz".

ME: Yuck kadiri ka God ang tanda mo na, nakiki-lawlz ka pa.

GOD: I know right. (hairflip and beardflip)


END.